P6-M halaga ng shabu itinago sa travel mugs, buking sa BOC

Nadsikubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark ang may P6 milyong halaga ng shabu na itinago sa travel mugs.

Nabatid na dumating noong Marso 11 mula sa Johannesburg, South Africa ang package at sa pagbusisi ay naglalaman ito ng isang pares ng medyas, dalawang body vests, dalawa baby grow, isang kumot at apat na travel mugs.

Nang buksan ang mga mugs ay nadiskubre na naglalaman ang mga ito ng kabuuang 962 gramo ng shabu.

Sumailalim na ang powedered substance sa ibat-ibang pagsusuri at lab analysis at nakumpirma na ito ay shabu.

Nagpalabas na si District Collector Alexandra Lumontad ng seizure order dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act kaugnay sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...