Hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Malakanyang na aprubahan ang P24-bilyong subsidiya sa mga manggagawa.
Sinabi ni Labor ASec. Dominique Tutay higit isang milyong manggagawa na naapektuhan ng epekto ng serye ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mabibiyayaan.
Ito aniya ay para sa mga nagta-trabaho sa pribadong sektor at magsisimula sa susunod na buwan hanggang sa Hunyo.
“The DOLE recognizes the labor sector’s claor for a minimum wage increase due to unabated fuel price increases primarily triggered by the Russia-Ukraine turmoil,” sabi ni Tutay.
Dagdag pa nito, sinusuportahan ng subsidiya ang National Employment Recovery Strategy sa ilalim ng Executive Order No. 140 Series of 2021.
Katuwiran pa ng opisyal sa tatlong buwan na pagbibigay ng subsidiya, makakabangon na ang mga maliliit na negosyo, na pinadapa ng pandemya.