Ping Lacson suportado ang 4-day work week basta….

By Jan Escosio March 17, 2022 - 09:55 AM

Nagpahayag ng suporta si Partido Reporma presidential aspirant Ping Lacson sa mga panawagan ng pagpapatupad ng 4-day work week para maka-agapay ng mga manggagawa sa mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.

Ngunit, sinabi ni Lacson na dapat tiyakin na may tamang kompensasyon lalo na sa mga daily wage workers.

“As long as daily wage earners will be compensated for their extended hours of work which should be equivalent to five days, I will support that four-day workweek para matipid ang gamit ng fuel. Magandang suggestion and I think we should support that,” aniya

Sinabi pa ni Lacson na madadagdagan din ang panahon ng mga manggagawa sa kani-kanilang pamilya.

Inirekomenda ni National Economic and Development Authority Sec. Karl Chua ang four-day workweek para mabawasan ang gastusin ng mga empleado o manggagawa sa pagkain at transportasyon.

Samantala, umaasa si Lacson na mabigyan ng pagkakataon na maipaliwanag kay Finance Sec. Carlos Dominguez III ang isinusulong niyang pansamantalang pagsuspindi sa fuel excise taxes.

Aniya maaring hindi sapat ang P200 kada buwan na panibagong ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.