Nagpahayag ng suporta si Partido Reporma presidential aspirant Ping Lacson sa mga panawagan ng pagpapatupad ng 4-day work week para maka-agapay ng mga manggagawa sa mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.
Ngunit, sinabi ni Lacson na dapat tiyakin na may tamang kompensasyon lalo na sa mga daily wage workers.
“As long as daily wage earners will be compensated for their extended hours of work which should be equivalent to five days, I will support that four-day workweek para matipid ang gamit ng fuel. Magandang suggestion and I think we should support that,” aniya
Sinabi pa ni Lacson na madadagdagan din ang panahon ng mga manggagawa sa kani-kanilang pamilya.
Inirekomenda ni National Economic and Development Authority Sec. Karl Chua ang four-day workweek para mabawasan ang gastusin ng mga empleado o manggagawa sa pagkain at transportasyon.