Leftists sa gabinete, OK sa isang arsobispo

By Chona Yu May 18, 2016 - 08:43 AM

Archbishop Jose Palma
Archbishop Jose Palma

Pabor si dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Cebu Archbishop Jose Palma sa balak ni incoming President Rodrigo Duterte na ibigay ang ilang cabinet positions sa rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA).

Ayon kay Palma, mas magandang bigyan muna ng tsansa si Duterte na makadiskarte sa kanyang administrasyon sa paniniwalang maaring isa itong paraan para matuldukan na ang armadong pakikibaka ng mga makakaliwang grupo.

Wala naman aniyang illegal kung itatalaga sa pamahalaan ni Duterte ang mga miyembro ng NPA.

Gayunman, tinutulan ni Palma ang plano ni Duterte na muling buhayin ang death penalty law sa bansa.

Iginiit ni Palma na hindi ito ang bukod tanging paraan para malabanan ang kriminalidad sa bansa.

Tiniyak naman ni Palma na nasa likod ni Duterte ang simbahang katolika na nakahandang magbigay ng suporta at panalangin para sa kanyang administrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.