31 atleta nagpositibo sa drugs re-tests ng Beijing; posibleng di makalahok sa Olympics

By Dona Dominguez-Cargullo May 18, 2016 - 08:19 AM

Rio OlympicsPosibleng hindi mapayagan na sumali sa Rio Olympics ang tatlumpu’t isang atleta matapos magpositibo nang isailalim sa reexamination ang kinuhang samples sa kanila noong 2008 Beijing Games.

Ayon sa International Olympic Committee o IOC, kabilang sa isinailalim sa reexamination ang 454 na samples na kinuha sa mga atleta noong 2008 Beijing Games at nakatakda ring suriin muli ang mga samples na kinuha noong 2014 Sochi winter games at ang 250 samples na kinuha para sa nagdaang London Games.

Ayon sa IOC, layon ng re-testing na matiyak na hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang lahat ng atletang lalahok sa Rio Olympics sa Agosto.

Ang mga nagpositibo at magpopositibo sa re-tests at hindi papayagang makalahok sa laro.

Ayon sa IOC, hindi nila isasapubliko ang pangalan ng mga atletang nag-positibo hangga’t hindi sila naiimpormahan at hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng isasagawang pagsusuri sa second sample na kukunin sa kanila.

Regular na proseso sa IOC ang pagsasagawa ng re-tests sa samples ng mga atleta.

Ang Rio Olympics ay magsisimula sa August 5 hanggang August 21.

TAGS: Rio Olympics, Rio Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.