P200 / buwan ayuda? Kulang pang pasahe sa jeep – Sen. Grace Poe

Kulang na kulang para kay Senator Grace Poe ang inanunsiyo ng Malakanyang na P200 kada buwan na ayuda sa mahihirap na pamilyang Filipino.

“Sa 6.66 kada araw, kulang pa itong pasahe sa jeep,” diin ni Poe.

Aniya higit pa ang kailangan ng mamamayan dahil sa taas na ng halaga ng pamumuhay, kawalan ng mga trabaho at sa nagpapatuloy na epekto ng pandemya.

Giit ni Poe hindi dapat tinitipid ng gobyerno ang ibinibigay na tulong para may maipakain sa pamilya, maayos na mabuhay at makabalik sa trabaho para mapasigla muli ang ekonomiya.

Sinabi nito, makakabuti kung masusing pag-aralan ang mga panawagan na suspindihin ang excise taxes sa mga produktong-petrolyo.

Read more...