Alaska, Ginebra nakahirit ng ‘do-or-die match’ sa PBA quarterfinals

By Jan Escosio March 16, 2022 - 08:42 PM

FILE PHOTO

Naka-puwersa ang Barangay Ginebra ng ‘rubber match’ nang talunin ang TnT, 104 -92, sa kanilang PBA Governor’s Cup quarterfinal game sa SMART – Araneta Coliseum.

Naging desidido ang Ginebra na dugtungan ang kanilang paglalaro sa 46th Season ng PBA nang umabot sa 19 ang kanilang kalamangan.

Ngunit uminit si Troy Rosario sa ikatlong yugto ng laro para mailapit ang Tropang Giga at sandaling matikman ang kalamangan.

Sa huling dalawang minuto ng laro, magkasunod na tres ang ipinasok nina Nards Pinto at Justin Brownlee para mailayo na ang laro.

Pinangunahan ni Brownlee ang Ginebra sa kanyang 38 puntos.

Sa unang laro, tinalo naman ng Alaska Aces ang NLEX Road Warriors, 93 – 79, para makahirit pa ng isang laro sa PBA.

Sinabi ni coach Jeff Cariaso naging motibasyon nila ang nalalapit na paglisa ng Alaska sa PBA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.