Ulat ng NBOC kaugnay sa naganap na May 9 elections isusumite sa kongreso

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Isusumite na ngayong araw ng mga miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC) sa dalawang kapulungan ng kongreso ang kanilang ulat kaugnay sa nakalipas na May 9 elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, dapat sana ay magtutungo ang Comelec en banc sa kamara at senado ngayong araw upang isumite ang ulat.

Gayunman, sinabi ni Guanzon na sina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte na ang pupunta sa PICC.

Ang pagsusumite ng ulat ayon kay Guanzon, ay bahagi ng protocol upang ipabatid sa mga kinatawan ng sambayanan na ginawa nila ang kanilang trabaho.

Ganap na alas 2:00 ng hapon inaasahang darating sa PICC sa Pasay City ang nasabing mga lider ng kongreso.

Matapos ito ayon kay Guanzon ay ipoproklama na nila bukas ng hapon ang labindalawang nanalong senador at ang mga nakakuha ng upuan sa party list group.

Read more...