Number coding, hindi pa kailangang palawakin – MMDA

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa kailangang palawakin ang pagpapatupad ng number coding scheme.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, mababa pa rin sa pre-pandemic levels ang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan sa Metro Manila.

Isa aniya sa posibleng dahilan ng mababang bilang ng mga sasakyang bumabagtas sa EDSA ang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Nitong Martes, March 15, inanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang dagdag na P13.15 sa kada litro ng diesel, P7.10 ang patong sa kada litro ng gasolina, habang P10.50 ang taas-presyo sa bawat litro ng kerosene.

Read more...