Bohol, Cagayan at Saranggani magkakasunod na niyanig ng lindol

By Chona Yu, Dona Dominguez May 18, 2016 - 06:57 AM

Magkasunod na niyanig ng lindol ngayong umaga ng Miyerkules, ang lalawigan ng Bohol, Cagayan at Saranggani.

Unang naitala ang 2.9 magnitude na lindol sa bayan ng Anda sa lalawigan ng Bohol dakong alas 3:30 ng madaling araw.

Magnitude na 2.3 naman ang naitala sa Santa Ana, Cagayan kaninang alas 4:00 ng madaling araw.

Sinundan ito ng magnitude 4.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental na naitala alas 5:06 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs ang pare-parehong tectonic ang origin ng tatlong naitalang lindol.

Wala ring naitalang intensity ang Phivolcs sa tatlong magkasunod na pagyanig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.