Nasa walo pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (March 16), dalawang pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.
Limang pulis naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Dahil dito, nasa 48,836 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya, habang 48,700 naman ang total recoveries.
Samantala wala ring bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.