Akbayan pinuna laban-bawi ni Bongbong Marcos sa fuel exise taxes’ suspension

Tinawag na duwag ng Akbayan Partylist si presidential aspirant Bongbong Marcos dahil sa pagbabago nito ng posisyon sa pagsupindi sa fuel excise taxes.

Sa ikinasang kilos-protesta ng grupo sa Quezon City kaninang umaga, muling nanawagan ang grupo sa suspensyon ng mga buwis sa mga produktong-petrolyo para maibsan ang mga epekto ng mahal na gasolina, krudo at kerosene.

Banggit nila, noong nakaraang taon, sinuspindi ng gobyerno ag 12 percent value added tax sa mga binibiling materyales ng mga exporter.

“Kung nagawa na ito noon para tugunan ang krisis ng pandemya, kaya ulit ito gawin para rumesponde sa krisis ng presyo ng langis. The only barrier for government to act is its own lack of political will,” sabi ni Percival Cendaña.

Kasabay nito, ang pagbatikos nila kay Marcos, na noong una ay pabor sa suspensyon ng fuel excise taxes, ngunit nagbago ito ng isip at sinabi na ibalik na lamang ang Oil Price Stabilization Fund (OPSF).

“Bongbong Marcos is not only a liar and a plunderer, he is also a flipflopper. Duwag na sa debate, duwag pa sa mga oil companies. Even his plan to simply revive his dictator father’s OPSF is short-sighted. The strategic response to this crisis is to review the oil deregulation law and find ways to institute democratic state regulation to the oil industry,” diin ni Cendaña.

Muli din hiniling ng Akbayan ang pagbawi ng gobyerno sa P125.9 bilyon na ilegal na yaman ng pamilya Marcos at idagdag ito sa subsidiya sa mga manggagawa sa public transport sector.

Read more...