P200 buwanang ayuda sa mahihirap na pamilyang Filipino

By Chona Yu March 16, 2022 - 11:04 AM

Inirerekomenda ng Department of Finance (DOF) na bigyan ng P200  ayuda kada buwan ang mga mahihirap na pamilyang Filipino.

 

Pahayag ito ng DOF sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Sa Talk to the People, sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na ayuda na lamang ang kailangan na ibigay dahil hindi maaring suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

 

Aniya ibibigay ang ayuda sa loob ng isang taon sa 50 porsiyento ng kabuuang bilang ng mahihirap na pamilya.

 

Aabot aniya sa P33. 1 bilyon ang kailangan na pondo para sa subsidiya.

 

Pag-amin ni Dominguez, hindi sapat ang ayuda pero malaking tulong na rin para makaagapay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.