Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization sa antiviral COVID-19 pill ng Pfizer na Paxlovid.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez na inaprubahan ang EUA noong Huwebes, March 10.
Maliban sa Paxlovid, binigyan na rin ng EUA ang isa pang brand ng COVID-19 treatment pill na molnupiravir.
Ang naturang brand ng molnupiravir ay Molenzavir, at ginagawa sa Bangladesh.
Nauna nang binigyan ng compassionate use permit ng ahensya ang generic version ng Paxlovid na Bexovid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.