DOH: Walang na-detect na ‘Deltacron’ sa bansa

By Angellic Jordan March 15, 2022 - 03:30 PM

Walang na-detect na kaso ng “Deltacron” sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang Deltacron ay kombinasyon ng lubhang nakakahawang Delta at Omicron variants ng COVID-19.

Sa isang media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang dapat ikabahala ang publiko.

Hindi pa aniya ito ikinokonsidera bilang ‘variant of concern’.

“Pinag-aaralan pa further kung it will cause more severity or transmissiblity. Pero ngayon, base sa mga obserbasyon, wala silang nakikita na kaibahan nito sa ating mga variants na currently present like Delta and Omicron,” ani Vergeire.

Ayon naman kay Infectious diseases expert Dr. Anna Ong-Lim, tinitignan pa ang mga ulat mula sa iba’t ibang bansa na maaring ang Deltacron ay isang sequencing error mula sa lab contamination.

Sa ngayon, sa tatlong bansa pa lamang sa buong mundo na-detect ang naturang variant: France, Denmark at Netherlands.

Sinabi rin ni Vergeire na walang nakikitang pagtaas ng kaso ng nakahahawang sakit sa anumang parte ng bansa.

Gayunman, muli nitong hinikayat ang publiko na magpabakuna, lalo na ang pagtanggap ng booster shot, at patuloy na tumalima sa minimum public health standards.

TAGS: COVIDvariants, Deltacron, doh, InquirerNews, MariaRosarioVergeire, RadyoInquirerNews, COVIDvariants, Deltacron, doh, InquirerNews, MariaRosarioVergeire, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.