Lahat ng lugar sa bansa, ikinokonsidera na bilang low risk sa COVID-19 – DOH
Inihayag ng Department of Health (DOH) na ikinokonsidera na bilang low risk sa COVID-19 ang lahat ng lugar sa bansa.
Sa media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa low risk classification na rin maging ang mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 2.
Patuloy pa rin aniya ang pagpapataas ng vaccination rates sa mga lugar na nasa Alert Level 2 upang mapababa ang ipapatupad na alert level.
“Para naman po sa Metro Manila at 39 pang area, patuloy pong lumuluwag ang restrictions at mas malaya na pong nakakagalaw ang mga tao dahil sa ating high vaccination rates at patuloy na pagsunod sa minimum public health standards,” saad ni Vergeire.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.