Tanging si Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang pinaka-kwalipikado na maging pangulo ng bansa.
Ayon kay Bo Roco, anak ng namayapang si dating Senador Raul Roco, napatunayan na ni Moreno ang maayos na pamumuno sa Maynila.
Kung nakaya aniya ni Moreno na paunlarin ang Maynila, tiyak na magagawa ito sa buong bansa.
Nasa Bicol si Moreno at nangangampanya.
Nabatid na ito ang unang pagkakataon na may pambatong pangulo ng bansa ang Aksyon Demokratiko mula nang maging kandidato ng partido si dating Senador Raul Roco.
Malaki naman ang pasasalamat ni Moreno sa nakababatang Roco.
Ayon kay Moreno, malaking karangalan na matulungan ng Aksyon Demokratiko.
MOST READ
LATEST STORIES