Pag-review sa Oil Deregulation Law, napapanahon na

By Chona Yu March 15, 2022 - 02:12 PM

Napapanahon na para rebyuhin ang Oil Deregulation Law.

Ayon kay Cabinet Secretary Melvin Matibag, may nakatakdang pakikipagpulong ang Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF) kay Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Maari aniyang talakayin sa naturang pulong sa Martes ng gabi, Marso 15, ang panawagang suspendihin ang excise tax sa produktong petrolyo at ang pagbibigay ng ayuda sa mga drayber sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi pa ni Matibag na nabanggit din ng Pangulo ang posibilidad na magpatawag ng emergency session ang Kongreso.

Kailangan kasi aniya ng batas para masolusyunan ang problema.

Marso 15 nang ipatupad ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo ng iba’t ibang kumpanya ng langis.

TAGS: DOE, DOF, InquirerNews, MelvinMatibag, oilprice, OilPriceHike, OilPriceIncrease, RadyoInquirerNews, DOE, DOF, InquirerNews, MelvinMatibag, oilprice, OilPriceHike, OilPriceIncrease, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.