Bigong pananambang sa mayor ng Infanta, Quezon pinaiimbestigahan

March 14, 2022 - 04:58 PM

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos na magsagawa ng imbestigasyon at alam ang mga angulong maaring may kinalaman sa bigong pananambang kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America. Malala rin kasi ang problema ng quarrying sa nasabing lugar.

Base sa spot report ng pulisya, nakasakay ang alkalde sa kaniyang Chevrolet Trailblazer sport utility vehicle sa bahagi ng Rizal Street sa Barangay Poblacion 1 nang mangyari ang pamamaril bandang 11:15, Linggo ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril si America sa kanang braso at ayon sa Municipal Government ng Infanta, wala nang ibang nasaktan sa insidente maliban sa alkalde.

Ayon kay Carlos, hindi dapat balewalain ang insidente at dapat tratuhin bilang isang election-related violence kasunod ng nalalapit na halalan sa Mayo.

Samantala, sa isang panayam, inihayag ni America na may bahid ng pulitika ang pananambang sa kaniya sa kabila ng hindi pa tapos na imbestigasyon ng PNP sa kaso.

Sa kabila ng walang ebidensyang diretsong pumupukol sa iringan sa pulitika, sinabi ni America na gumawa ang utak sa likod ng pamamaril ng kabilang grupong kumakalaban kay Quezon Province Governor Danilo Suarez. Si America ay kilalang malapit na kaalyado ng gobernador.

Taong 2019, pinatay ang dating driver ng alkalde na si Michael Cuento at tatlo pang indibidwal.

Sa naging panayam noon kay Mayor America, pinabulaan nito ang anggulo ng pulitika kahit na nangyari ang insidente ng pamamaril noong 2019 Midterm Election.

Aniya, maaring ang motibo sa pagpaslang ang quarrying sa lugar kung saan ang biktima ay isang quarry permit holder.

TAGS: FilipinaGraceAmerica, InquirerNews, PNP, RadyoInquirerNews, FilipinaGraceAmerica, InquirerNews, PNP, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.