Mag-ina patay sa sunog sa Cavite

By Chona Yu March 15, 2022 - 01:09 PM

Patay ang mag-ina sa sunog sa General Trias, Cavite.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasawi ang isang 31-anyos na ginang at anak nitong dalawang taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang sunog sa music lounge and KTV bar sa Brgy. Manggahan.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago naapula ng mga tauhan ng BFP.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP sa sanhi ng sunog.

 

TAGS: cavite, General Trias, mag-ina, news, patay, Radyo Inquirer, sunog, cavite, General Trias, mag-ina, news, patay, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.