Gatchalian sa DOE: Hanapin ang mga nagsasamantala sa bigtime oil price hikes

By Jan Escosio March 15, 2022 - 08:56 AM

 

Hinikayat ni reelectionist Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) na bantayan ang mga posibleng pagsasamantala sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

“The DOE should make sure that oil companies and retailers are not abusing the situation. Huwag nating hayaang may magsamantala na lalong magpapahirap sa ating mga kababayan,” sabi nito.

Sinegundahan ni Gatchalian ang mga pahayag na ang mga oil refiners ay may stock ng kanilang mga produkto na tatagal ng hanggang 30 araw at ang mga ito ay dapat ipinagbibili sa mas mababa pang halaga.

Suhestiyon ng namumuno sa Senate Committee on Energy, pataasin sa 45 araw ang 30-day minimum oil inventory para may 15 araw pa na buffer

“The government should subsidize the carrying cost because when these companies buy another 15 days, they have to pay for interest. And that’s where the government comes in terms of energy security,” paliwanag nito.

Hiniling din niya sa kagawaran na gamitin nito ang mandato laban sa mga mapagsamantala sa pamamagitan ng pag-iimbestiga at pagsasampa ng mga kaso.

“Kung aktibo ang ating pamahalaan sa pagbabantay laban sa mga mapanlinlang at mapang-abusong negosyante, maiiwasan ang pagsasamantala sa publiko sa panahon ng krisis,” dagdag pa ng senador.

TAGS: DOE, news, oil price hike, Radyo Inquirer, win gatchalian, DOE, news, oil price hike, Radyo Inquirer, win gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.