China, minaliit ang magiging resulta ng arbitration case ng Pilipinas

By Kathleen Betina Aenlle May 18, 2016 - 04:26 AM

 

Bagamathague malapit na ang inaasahang paglalabas ng arbitration ng desisyon kaugnay sa ginagawang miltarisasyon ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, naninindigan pa rin ang Beijing na balewala ito para sa kanila.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry-Department of Treaty and Law Director General Xu Hong, nag-mistulang palabas na lamang ang inihaing kaso ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng agawan sa teritoryo.

Aniya pa, walang sinuman ang magse-seryoso sa resulta ng isang palabas tulad nga ng South China Sea arbitration.

Iginiit pa ni Xu na hindi mababago ng desisyon ng arbitration court ang posisyon ng China sa isyung ito, at handa silang lumaban sakaling may gumamit nito bilang katwiran sa paggamit ng pwersa laban sa kanilang soberanya.

Ayon pa kay Xu, umaasa ang China na mapagtanto ng Pilipinas ang pagkakamali nito at bumalik na lamang sa tamang pamamaraan ng pagreresolba ng isyu tulad ng negosasyon at konsultasyon.

Una nang nagpahayag ang kinatawan ng pamahalaan ng China na umaasa silang manumbalik ang kanilang bilateral relations sa Pilipinas sa ilalim ng papasok na administrasyong Duterte.Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.