868,140 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa mga bata, dumating na sa bansa

By Chona Yu March 15, 2022 - 08:18 AM

 

Dumating na sa bansa ang 868,140 doses nng Pfizer COVID-19 vaccines.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, binili ng pamahalaan ang mga bakuna sa pamamagitn ng World Bank.

Dumating ang mga bakuna kagabi, Marso 14 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng DHL Express Flight LD456.

Gagamitin ang mga biniling bakuna para sa mga batang edad 12 anyos pababa.

Buwan ng Pebrero nang simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang labing-isang taong gulang.

 

TAGS: COVID-19, National Task Force Againts COVID-19, news, pfizer, Radyo Inquirer, vaccines, COVID-19, National Task Force Againts COVID-19, news, pfizer, Radyo Inquirer, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.