Hinog na ang wage hike para sa manggagawa.
Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera kasabay nang pagpuri kay Labor Sec. Silvestre Bello III sa utos nito sa umiiral na minimum wages sa bansa bunsod nang pagsirit ng halaga ng langis.
“We fully support Secretary Bello’s directive to all regional wage boards to expedite the review of minimum wages to help workers and their families weather the current oil crisis,” ani Herrera
Katuwiran pa ng mambababatas, kailangan nang bigyan tulong ang mamamayan dahil sa patuloy pa nilang binabalikat ang epekto ng pandemya na sinundan nang pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo.
Sinabi pa nito maari ng pagbatayan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin para makapagbigay ng taas-sahod naman sa mga manggagawa.
Sinegundahan ni Herrera ang pahayag ni Bello na ang P537 minimum daily wage sa Metro Manila ay hindi na sapat para sa maayos na pamumuhay.
Nangako ito na tutulungan ang administrasyong-Duterte na makapagbigay ng umento sa mga manggagawa sa pamamagitan ng lehislatura.
“It imperative to provide workers and their families with the means to cope up with increasing costs of living, without hampering the growth and development of business and industry,” dagdag pa nito.