Panukalang Restaurant Industry Survival Act, ihihirit sa Kamara

By Angellic Jordan March 14, 2022 - 06:07 PM

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Sa muling pagbubukas ng sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa buwan ng Mayo, ihihirit ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda na aksyunan ang mga panukalang batas na makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya sa bansa.

Kabilang sa mga iniakdang panukalang batas ng kongresista ang Restaurant Industry Survival Act o House Bill 7610.

Layon aniya nitong mabigyan ng sapat na tulong ang restaurant industry na matinding tinamaan ng mga ipinatupad na lockdowns dahil sa COVID-19 pandemic.

Iminungkahi ng three-term senator na pagkalooban ng gobyerno ng tax incentives at rent-payment extension schemes ang mga negosyante sa restaurant industry na nagsara dahil sa pandemya.

Patuloy aniya ang pagresponde ng Kongreso sa krisis dulot ng pandemya upang makabawi ang maliliit na restaurant at karinderia sa bansa.

Ani Legarda, sisiguraduhin niya ang patuloy na pagsusulong ng mahahalagang panukalang batas para makatulong sa mga Filipino, sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagbibigay ng livelihood projects sa mga apektado ng pandemya.

Inihain din ni Legarda sa 18th Congress ang House Bill 10405 o ang “One Tablet, One Student Act” na layong mabigyan ang mga elementary, senior high, at college student ng gadgets para sa kanilang pag-aaral.

Iniakda rin ng kongresista ang House Bill 10621 ukol sa buwanang Special Risk Allowance sa bawat healthcare workers sa pampubliko at pribadong healthcare institutions sa bansa.

TAGS: 18thCongress, InquirerNews, LorenLegarda, RadyoInquirerNews, Restaurant Industry Survival Act, 18thCongress, InquirerNews, LorenLegarda, RadyoInquirerNews, Restaurant Industry Survival Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.