Pilipinas, nakapagtala ng 4,131 na bagong kaso ng COVID-19 – DOH

Nakapagtala ng 4,131 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang March 14, 2022, base ito sa naitalang datos simula March 7 hanggang 13.

Mas mababa ito ng 35 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong February 28 hanggang March 6.

Nasa 590 naman ang daily average cases.

Samantala, tatlo ang bagong severe and critical cases habang 591 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 17.2 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,648 sa 27,021 non-ICU beds ang gamit.

19.6 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 704 sa 3,598 ICU beds ang gamit.

Nasa 1,006 naman ang severe and critical admissions, o 14.3 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...