DFA, ipinatatawag ang Chinese ambassador ukol sa illegal incursion ng PLA – Navy sa Sulu Sea

By Angellic Jordan March 14, 2022 - 05:21 PM

Ipinatatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ni Undersecretary Ma. Theresa Lazaro, si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay sa illegal incursion ng People’s Liberation Army – Navy (PLAN) sa Sulu Sea.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na simula January 29 hanggang February 1, 2022, pumasok sa karagatang sakop ng Pilipinas ang PLAN Electronic Reconnaissance Ship (Dongdiao-class) na may bow number 792 nang walang permiso.

Ayon sa DFA, naabot nito ang bahagi ng Cuyo Group of Islands sa Palawan at Apo Island sa Mindoro.

“The Philippine Navy vessel BRP Antonio Luna (FF-151) challenged PLAN 792, which alleged that it was exercising innocent passage. Its movements, however did not follow a track that can be considered as continuous and expeditious, lingering in the Sulu Sea for three days,” saad nito.

Ipinagpatuloy pa rin ng PLAN 792 ang kanilang mga aktibidad sa karagatan ng Pilipinas sa kabila ng ilang beses na kautusan ng BRP Antonio Luna na umalis sa teritoryo ng bansa.

“As a country that abides by its international commitments, the Philippines recognizes the right of innocent passage in accordance with Article 52 of the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” pahayag ng DFA.

Dagdag pa nito, “However, the actions of PLAN 792 did not constitute innocent passage and violated Philippine sovereignty.”

Dahil dito, iginiit ni Lazaro na dapat respetuhin ng China ang teritoryo ng bansa.

Dapat din aniyang tumalima ang China sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng international law, partikular na ang UNCLOS, at ipag-utos sa kanilang mga barko na ihinto ang pagpasok sa karagatan ng Pilipinas nang walang permiso.

TAGS: DFA, HuangXilian, InquirerNews, MaTheresaLazaro, PLAN792, RadyoInquirerNews, SuluSea, UNCLOS, DFA, HuangXilian, InquirerNews, MaTheresaLazaro, PLAN792, RadyoInquirerNews, SuluSea, UNCLOS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.