Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang naturang polisiya ay base sa huling resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) noong Biyernes.
Aniya, ibinalik ng naturang resolusyon ang Philippine foreign service circular, na epektibo bago magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Sa kaparehong resolusyon, binanggit ng IATF-MEID na maari ring makapunta ng Pilipinas ang mga Israeli at Brazilian nang walang visa para sa inisyal na pananatili na 59 na araw.
Binuhay din ng IATF-MEID ang dating foreign service circular kung saan maaring makapasok ang mga indibiduwal na may hawak ng Israeli at Brazilian passports sa loob ng 59 araw.
Bago ang pandemya noong 2019, umabot sa humigit-kumulang 5,000 Hong Kong nationals at 3,000 Macau Sar nationals ang dumating sa bansa.
Sa kaparehong panahon, nakapasok din sa bansa ang halos 25,000 Israelis, at higit 13,000 Brazilians.