Bongbong Marcos, nanguna sa Pulse Asia survey

Nanguna si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Base sa lumabas na resulta, nakakuha si Marcos ng 60 porsyento.

“With the support of 60% of the country’s registered voters who are likely to cast their ballot in May 2022, former Senator Ferdinand Marcos, Jr. would be elected as the next Philippine president if the elections took place during the survey period,” saad ng Pulse Asia.

Sumunod kay Marcos si Vice President Leni Robredo na may 15 porsyento.

“In second place is Vice-President Maria Leonor G. Robredo, whose own presidential bid is backed by 15% of likely voters,” dagdag nito.

Pangatlo naman sa survey si Manila City Mayor Isko Moreno na may 10 porsyento, sumunod si Sen. Manny Pacquiao na may walong porsyento, habang nakakuha naman si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ng dalawang porsyento.

Samantala, pagdating naman sa second choice presidential preference, nanguna si Moreno na may 26 porsyento.

Sa pamamagitan ng face-to-face interviews, isinagawa ang survey sa 2,400 representative adults simula February 18 hanggang 23, 2022 na may ± 2% error margin sa 95 porsyentong confidence level.

Read more...