Suspensyon ng excise taxes sa produktong langis, suportado ni Sen. Bong Go
Nagpahayag na ng kanyang suporta si Senator Christopher “Bong” Go sa mga hirit na suspindehin pansamantala ang paniningil ng excise taxes sa mga produktong petrolyo.
Aniya, ito ay para naman mabawasan ang paghihirap ng mamamayan.
Sinabi ng senador na unang prayoridad ay protektahan ang mga konsyumer bagamat aniya, kailangan ding intindihin ang magiging epekto sa kaban ng bayan.
“Kung ako, personally, siyempre dahil talagang apektado ang mahihirap ngayon. Pero ang tanong diyan, papayag ba yung finance managers natin dahil mayroon pa silang projection this year para sa collection nila?,” tanong ni Go.
Dagdag pa nito, kaisa rin siya sa pagkakaroon ng special session ng Kongreso para matalakay ang mga gagawing hakbang para maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng produktong petrolyo.
“Apektado rito ‘yung mahihirap. Bawat piso, bawat sentimo napakahalaga sa mga kababayan natin. Bawat pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo, apektado yung mga tsuper,” sabi pa ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.