Sakaling mahalal na susunod na pangulo ng bansa, sinabi ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson na walang maka-kaliwa na magiging miyembro ng kanyang Gabinete.
Katuwiran ni Lacson, mahihirapan din naman ang mga ito na makalusot sa Commission on Appointments.
Dagdag katuwiran pa nito, magiging sagabal din ang mga ito sa mabilis na pag-usad ng pagbibigay ng serbisyong-publiko.
“Nagde-deter kasi ng progress sa halip na maka-move on kapag nahaluan ng ibang agenda,” pahayag nito.
Ngunit diin nito, ang nakakabahala ay ang tunay na motibo ng mga nasa kaliwa at ito aniya ay patalsikin ang gobyerno.
“Ang revolution movement isa lang ang objective to overthrow the government,” saad pa ni Lacson.
READ NEXT
Isang koalisyon, nagkasa ng Isko-Sara campaign; Eleazar, pinili bilang unang senatorial bet
MOST READ
LATEST STORIES