Sotto nakakuha ng “very good” net satisfaction rating
Nakakuha ng “very good” net satisfaction rating si Senate President Tito Sotto III.
Ito ay base sa 2021 fourth quarter survey ng Social Weather Stations.
Ayon sa SWS survey, 65 percent sa mga respondents ang nagsabi na kuntento sila sa trabaho ni Sotto habang 14 percent lamang ang nagsabi na hindi sila kuntento.
Nakakuha naman ng “neutral” na net satisfaction rating sina Vice President Leni Robredo, Chief Justice Alexander Gesmundo at Speaker Lord Allan Velasco.
Nakakuha si Robredo ng 41 percent habang 26 percent naman ang nakuha ni Gesmundo.
Ayon sa SWS, bumaba ang satisfaction ratings ni Robreedo sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Ginawa ang survey ng SWS noong Disyembre 12 hanggang 16, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.