Wala sa bokabularyo ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang dumalo sa mga debate.
Sa pangangampanya ni Duterte sa BF Homes, Parañaque City, sinabi nito na gagawin niya ang pangangampanya nang hindi sumasali sa debate.
Ipinauubaya na ni Duterte sa taong bayan ang pagpili ng bise presidente.
Mananatili aniya ang kanyang estratihiya ng pangangampanya na kausapin na lamang ang taong bayan at hindi na makigulo pa sa debate.
Ayon kay Duterte, agad niyang ipaalam sa publiko kung mababago ang kanyang desisyon na sumali sa mga debate.
MOST READ
LATEST STORIES