Isko: Unang 30 araw ng kampanya, nakaka-pagod

By Chona Yu March 12, 2022 - 12:40 PM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Aminado si Aksyon Demokratiko president at Manila Mayor Isko Moreno na nakaka-pagod ang unang 30 araw ng pangangampanya.

Pero ayon kay Moreno, nakatataba rin ng puso ang mainit na pagsalubong sa kanya ng mga botante sa ibat-ibang lugar.

“To be fair and honest to you, nakakapagod physically because yung gusto ko kasing kampanya is very unique from the others wherein what we want is dumiretso sa taong bayan, dumiretso sa tao. Hindi lang sya sa photoshop, projection, its more on eyeball and engagement and doing so yun, yung napakahirap na portion because the Philippines is an archipelagic country. So, maraming areas na malaki ang paghahanda in terms of advance teams na pumupunta sa isang bayan to another,” pahayag ni Moreno.

Pangako ni Moreno, hindi siya titigil sa pag-iikot sa ibat-ibang lugar para maipabatid sa taong bayan ang kanyang mga plataporma.

“So, yung mga pa dalawa-dalawang daan, pa lima-limang daan, pa tatlo-tatlong libo, o mga lima-limang libo, happy na ako nun. Basta… kung yung repetition naman it’s a matter of doing it persistently at yung paulit-ulit mo syang gagawin, alam mo yung patak, patak ng tubig sa drum aapaw din yun. Yung drops, the graceful drops, once yun ay tuloy-tuloy, kahit patak-patak yun it’s just a matter of time na yun ay mapupuno yung drum, aapaw, yun ang challenge sa amin na we have to move,” pahayag ni Moreno.

Nakiusap din si Moreno sa kanyang mga taga-suporta na huwag nang makipag-away saa iba. Hindi aniya dapat na pumaso sa mga illegal tactics o pananabotahe sa kampanya ng ibang mga kandidato.

“Huwag kayong makikipag-away. Meron tayong mga supporters dito eh that we are going to meet in a while. Huwag kayong makikipag-away. Bayaan natin sila. Kasi masyado ng polarized yung away ng pula at pinklawan o yellow-pink. Eh baka magkasamaan pa kayo ng loob, mga magkakamag-anak kayo, magkakaibigan kayo, eh pagdating ng Mayo eh hindi na kayo kilala ng mga kandidato ninyo,” pahayag ni Moreno.

TAGS: 30 araw, Isko Moreno, kampanya, news, pagod, presidential campaign, Radyo Inquirer, 30 araw, Isko Moreno, kampanya, news, pagod, presidential campaign, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.