60 Wi-Fi facilities sa San Pedro Laguna, ipinagawa ni Dave Almarinez

Aabot sa 60 Wi-Fi facilities ang ipinagawa ni  San Pedro, Laguna congressional candidate Dave Almarinez  sa 27 barangay.

Ayon kay Almarinez, ito ay para mabilis na maka-rekober ang mga residente sa paglagapak ng ekonomiya bunsod ng pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Almarinez, inilagay ang mga internet infrastructure na “Dave Almarines Wi-Fi Zone” sa mga pampublikong lugar gaya ng mga parke, covered courts, transport terminals at iba pa.

May bilis aniya ang internet speed na 50 hanggang 500 Mbps.

Naniniwala si Almarinez na marami ang makikinabang sa libreng Wi-Fi lalo na ang mga nasa delivery riders at ang mga maliliit na negosyante.

Ayon kay Almarinez, makikinabang rin ang mga estudyante at guro sa libreng Wi-Fi para sa kanilang online class.

“Our Wi-Fi zones will give every resident of San Pedro free internet access to information and future digital opportunities. Ours are projects that are sustainable and beneficial to all sectors. Not only for us but for the next generation,” pahayag ni Almarinez.

Ikinatuwa naman ng mga residente ang proyekto ni Almarinez,

Ayon kay Alma Belarmino, malaking tulong sa kanya ang libeng Wi-Fi dahil wala siyang internet connection sa bahay.

“Sa totoo lang, nakakamangha ang dami ng proyektong dinala nya dito sa San Pedro. Hindi pa nakauppo pero ang dami ng proyekto,” pahayag ni Belarmino sa kanyang FB post.

Bukod sa libreng Wi-Fi, nagbigay din ang asawa ni Ara mina ng 20,000 na Moderna vaccines sa local government units para mapabilis ang pagbakuna sa mga residente.

Si Almarinez ay kumakandidatong kongresista ng San Pedro City, Laguna.

 

 

Read more...