Aabot sa 309 na Filipino na ang nailikas mula sa Ukraine.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Sarah Lou Arriola, sa naturang bilang, 150 na mga Filipino na ang naiuwi sa Pilipinas.
Nasa 159 naman ang nakaalis na sa Ukraine at pansamantalang naninirahan sa mga kalapit na bansa sa Europa.
Matatandaang kamakalawa lamang, dumating sa bansa ang mga Filipino seafarers na sakay ng MV Key Knight, Mv Star Helena at MV Pavlina.
Nagpatupad ang DFA ng Alert Level 4 sa Ukraine. Ibig sabihin, mandatory na ang paglilikas ng pamahalaan sa mga Filipino na nasa Ukraine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.