OCTA: Ilang bansa sa Southeast Asia, kasama ang Pilipinas, nasa ‘very low risk’ category sa COVID-19
Nasa ‘very low risk’ status sa COVID-19 ang ilang bansa sa Southeast Asia, ayon sa OCTA Research.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Guido David hanggang March 9, nasa ‘very low risk’ na ang Pilipinas, China, Taiwan, at Timor Leste.
Mayroong 0.68 na average daily attack rate (ADAR) o average number ng mga bagong kaso kada 100,000 population ang Pilipinas, 0.02 sa China, 0.25 sa Taiwan, at 0.44 sa Timor Leste.
Nasa ‘low risk’ naman ang Cambodia na may 1.89 na ADAR.
Samantala, ‘moderate risk’ status naman ang Indonesia, Myanmar, at Laos.
“Brunei, South Korea, Hong Kong, Singapore, Vietnam, Malaysia on a SEVERE OUTBREAK,” ani David.
Sa ngayon, nasa 514.23 ang ADAR sa South Korea, 195.57 sa Vietnam, 46.09 sa Japan, 483.95 sa Hong Kong, 92.89 sa Malaysia, 31.32 sa Thailand, 284.14 sa Singapore, at 916.40 sa Brunei.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.