Pilipinas gagawing ‘maritime power’ ni Robredo

By Chona Yu March 11, 2022 - 01:31 PM
Tiyak na magiging “maritime power” ang Pilipinas sa mga susunod na taon. Ito ay kung papalaring manalong pangulo ng bansa si Vice President Leni Robredo sa eleksyon sa Mayo 9. Ayon kay Rear Admiral Rommel Ong, dating Philippine Navy commander, hindi pababayaan ni Robredo ang seguridad sa bansa at igigiit ang soberenya ng Pilipinas sa mga teritoryong sakop nito. Sinabi pa ni Ong na tiyak na magkakaroon ng pagbabago sa Armed Forces of the Philippines mula sa pagiging “land-centric” patungong “maritime power.” Kung hindi man, magiging maritime nation aniya ang Pilipinas. Si Ong ay miyembro  ng national security team ni Robredo. “Gusto niya na ang Pilipinas ay maging maritime power. Kaakibat po dito ay ang pagbabago ng pananaw o pag-iisip kung paano natin huhubugin ang Sandatahang Lakas,” pahayag ni Ong. Ayon kay Ong, batid ni Robredo na nakatutok lamang ang bansa ngayon sa lupa at napababayaan ang “territorial waters.” “Ang epekto po niyan ay ang appreciation natin sa West Philippine Sea bilang isang security problem … medyo kulang,” pahayag ni Ong. “Right now po masyado land-centric o naka-focus sa lupa. Ito po ay disconnected sa situation natin na tayo po ay isang archipelago, isang bansa na maraming isla at malawak ang dagat na kailangan protektahan,” dagdag ni Ong. Ayon kay Ong, gagawing prayoridad ni Robredo at ng kanyang security team ang “advancement of  support industries” at “support knowledge” mula sa mga bansang malakas ang marine fleet. Una nang inamin ng Department of Defense noong 2019 na maliit lamang ang kapabilidad ng Pilipinas sakaling magkaroon ng pag-atake sa territorial waters ng bansa. Sinabi naman ni senatorial candidate Antonio Trillanes IV na bagamat mayroon nang modernisasyon sa AFP, mahaharap pa rin ito sa “arms race.” Depende kasi aniya ito kung kakayanin ng Pilipinas na bumili ng mga makabagong kagamitan at armaments. “That’s why we need a commander-in-chief who understands the economy,” pahayag ni Trillanes. Naniniwala si Trillanes na si Robredo ang pinakaakmang susunod na lider ng bansa. Kapag nanalong pangulo ng bansa, sinabi ni Trillanes na gugulin ni Robredo bilang commander-in-chief ang 100 araw sa pagpapalakas sa traditional at historical alliances. “Our foreign policy cannot be isolated,” ayon sa senador. “One major foreign policy position is to strengthen the alliance with our traditional and historical allies on top of the structural alliance like the ASEAN,” dagdag ni Trillanes. “Immediately restore the [Visiting Forces Agreement] and implement the [Enhanced Defense Cooperation Agreement] (with the United States) to provide capacity to our allies to have staging areas, especially in the West Philippine Sea,” aniya.

TAGS: maritime power, news, Radyo Inquirer, Rear Admiral Rommel Ong, Vice President Leni Robredo, maritime power, news, Radyo Inquirer, Rear Admiral Rommel Ong, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.