Quiapo Church, ginawa ng COVID-19 vaccination site

(MMDA photo)

Pinangunahan nina Metropolitan Manila Development Authority chairman Romando Artes at Department of Health-National Capital Region Director Doctor Gloria Balboa ang ikaapat na round ng “Bayanihan, Bakunahan” sa harap ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Manila.

Ayon kay Artes, ito ay para mailapit sa tao ang bakuna kontra COVID-19.

Sinabi pa ni Artes na nagdagdag sila ng vaccinators sa Quiapo Church para mas marami ang mabakunahan.

Sinabi naman ni Balboa na naka-schedule ang bakunahan sa Quiapo Church kada araw ng Biyernes.

Target na mabakunahan ang 500 katao kada ng araw.

 

 

Read more...