GCash, TNG Wallet mas pinabilis ang remittance ng OFWs sa Hong Kong

By Chona Yu March 10, 2022 - 06:04 PM

Photo credit: GCash/Facebook

Mas mabilis nang makapagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas ang overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Hong Kong dahil sa partnership ng GCash at TNG Wallet.

Gamit ang TNG Wallet app sa mobile device, maise-send na agad ng mga OFW ang remittance sa GCash wallet ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa loob lamang ng ilang segundo, matatanggap na agad ng recipients ang pinadalang halaga.

“Kasama ang TNG Wallet, masaya naming ipinakikilala ang digital remittance solution na ito para sa mga OFW sa Hong Kong. Iisa ang nais namin— ang magbigay ng ligtas at mabilis na digital financial solution para sa aming mga customer. Nagsusumikap ang GCash na gawing mas madali at maayos ang buhay ng ating mga OFW nasaan man sila sa mundo,” ayon kay GCash President at CEO Martha Sazon.

Pahayag naman ni Jules Abalos, GCash AVP para sa International Remittance, “Patuloy ang GCash sa pagdaragdag ng mga bagong remittance partners gaya ng TNG Wallet para mapanatiling ligtas ang pinaghirapang salapi ng mga OFW at mabilis din itong maipadala sa kanilang pamilya.”

Maari ring magamit ng mga OFW ang iba pang serbisyo sa loob ng GCash app gaya ng Pay Bills feature nito, kung saan makakapagbayad sila ng kanilang SSS contributions.

Maari rin nilang ma-access ang iba’t ibang financial services gaya ng abot-kayang insurance mula sa GInsure, investments gamit ang GInvest, at online banking sa tulong ng GSave.

Maaring i-download nang libre ng mga OFW ang GCash app sa Google Play o App Store at mag-register kung may Philippine SIM card sila na naka-roaming.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.gcash.com.

TAGS: GCash, Hongkong, InquirerNews, OFWremittances, RadyoInquirerNews, TNGWallet, GCash, Hongkong, InquirerNews, OFWremittances, RadyoInquirerNews, TNGWallet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.