Nakalabas na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Robert Badrina, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 150 kilometers Southeast ng Pagasa Island, Palawan.
Bagamat nasa labas na ng teritoryo ng bansa, magdadala pa rin ang LPA ng kalat-kalat na pag-ulan, lalo na Katimugang bahagi ng Palawan at Zamboanga Peninsula.
Nakakaapekto naman ang shear line sa Visayas, maging sa ilang bahagi ng MIMAROPA, Caraga, Northern Mindanao, at Quezon.
Samantala, umiiral pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa Hilagang bahagi ng Luzon, partikular sa Hilagang bahagi ng Cagayan Valley at Aurora.
Asahan pa rin aniya ang mahihinang pag-ulan bunsod ng nasabing weather system.
Sa iba namang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila, makararanas pa rin ng maaliwalas na panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.