Pamamahagi ng Food Security Program boxes sa Maynila, sinimulan na
Sinimulan na ng Manila City government ang pamamahagi ng Food Security Program (FSP) boxes sa naturang lungsod.
Ayon sa Manila Public Information Office, aabot sa 700,000 pamilya ang mapagkakalooban nito.
Katuwang sa sabay-sabay na pamamahagi nito sa anim na distrito ang ilang miyembro ng Department of Engineering and Public Works, Department of Public Services, at Manila Traffic and Parking Bureau.
Noong March 7, ininspeksyon nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang ilang FSP boxes sa San Andres Sports Complex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.