29 pang seafarers mula sa Ukraine, nakauwi na ng bansa
Dumating na sa Maynila ang 29 seafarers mula sa Bucharest, Romania.
Kasama sa naturang batch ng repatriates ang 20 crew members ng MV Global Aglaia; dalawang seafarers ng MV Joseph Schulte; at pitong seafarers mula sa MV Star Helena.
Nakaalis ng Ukraine ang seafarers sa pamamagitan ng Moldova, sa tulong ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinau at Philippine Embassy sa Budapest.
Dahil dito, umabot na sa 55 na Filipino seafarers ang nakauwi mula sa Ukraine.
Umaasa ang kagawaran na dadami pa ang seafarers na darating sa bansa sa mga susunod na araw sa pamamagitan ng evacuation at repatriation programs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.