Ngayon patuloy na tumataas ang halaga ng mga produktong petrolyo, sinabi ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo Lacson na panahon na para suriin ang minimum wages.
Sinabi ni Lacson na sa pakikipag-diyalogo nila ng kanyang running mate na si Vicente ‘Tito’ Sotto III sa ibat-ibang bahagi ng bansa, ang isa sa pangkaraniwang idinadaing sa kanila ay ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Dagdag niya, tama ang pagpapatawag ni Labor Sec. Silvestre Bello III ng pulong sa mga Tripartite Wage Boards para mapag-usapan ang maaring pagtataas ng minimum wages ng mga manggagawa.
Aniya iniiyakan sila ni Sotto ng nakakaharap nilang mga manggagawa dahil hirap na hirap sila sa pamumuhay dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin at serbisyo.
Kailangan lang, sabi pa ni Lacson, na balansehin ang panawagan ng umento at ang kakayahan ng mga negosyante na magbigay ng dagdag-sahod.