Kulelat na Blackwater sinulot ang No. 1 na Magnolia, 101 – 100

By Jan Escosio March 09, 2022 - 09:14 PM

PBA IMAGE

Laro ng ulo at buntot at nanaig ang huli.

 

Naitakas ng Bossing ang kanilang unang panalo makalipas ang halos 17 buwan nang talunin ang nangunguna naman na Magnolia, 101 – 100, sa kanilang huling laro sa elimination round ng PBA 46th Season Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

 

Noong Oktubre 17, 2020 huling nakatikim ng panalo ang Blackwater nang talunin nila sa Clark Bubble ang NLEX Road Warriors, 98 – 88.

 

Simula noon, 29 pagkatalo ang kanilang nalasap bago muling nakatikim ng tagumpay.

 

Pinangunahan ni Shawn Glover, na may 33 puntos,  ang balanseng laro ng Blackwater at sinuportahan siya nina Barkley Ebona at Rey Suerte, na may 16 puntos.

 

Si Ebona ang nagbalik sa Blackwater ng kalamangan 101 – 100 na ang iskor at si Suerte naman ang sumupalpal sa tira ni Jackson Corpuz sa huling segundo ng laro.

 

Tumulong din sa opensiba ng Blackwater sina JVee Casio, Andre Paras at Paul Desiderio.

 

Sa unang laro, pumasok na rin sa quarter finals ang TnT Tropang Giga sa kanilang panalo kontra naman sa Terrafirma, 127 – 107.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.