OCTA: Iba pang lugar sa Central Luzon, Calabarzon bumaba na sa ‘very low risk’ category sa COVID-19

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Maliban sa ilang lalawigan sa Luzon, bumaba na rin sa ‘very low risk’ status sa COVID-19 ang iba pang lugar sa Central Luzon at Calabarzon, ayon sa OCTA Research.

Sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Guido David hanggang March 8, nasa ‘very low risk’ na ang Aurora, Bulacan, Laguna, Pampanga, Quezon, Rizal, at Zambales.

Nasa ‘low risk’ category naman ang National Capital Region, Bataan, Batangas, Cavite, Nueva Ecija, at Tarlac.

Lumabas din sa datos na nakapagtala ang Metro Manila ng -30 percent na one-week growth rate sa mga kaso.

Narito naman ang one-week growth rate sa iba pang lalawigan: -20 percent sa Aurora, -17 percent sa Bataan, -23 percent sa Batangas, -39 percent sa Bulacan, -18 percent sa Cavite, -47 percent sa Laguna, -59 percent sa Nueva Ecija, -53 percent sa Pampanga, -33 percent sa Quezon, -41 percent sa Rizal, -27 percent sa Tarlac, -58 percent sa Zambales.

Simula March 2 hanggang 8, may 198 na average new cases per day ang Metro Manila, na may reproduction number na 0.24, positivity rate na tatlong porsyento, at 23 porsyentong COVID-19 healthcare utilization rate.

Read more...