CPP sa gabinete okay sa PNP

By Ruel Perez May 17, 2016 - 03:36 PM

PNP HQ
Inquirer file photo

Pabor ang pamunuan ng Philippine National Police sa plano ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte sa paglalagay sa mga miyembro ng makakaliwang grupo sa ilang cabinet positions.

Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, welcome sa kanila ang hakbang lalo kung ito ang magiging daan para tuluyang matuldukan ang ginagawang armadong pakikibaka ng mga rebeldeng grupo.

Paliwanag ni Mayor, panahon na rin para magkaroon na ng kapayapaan at katahimikan sa bansa at maaaring isa itong mabisang paraan na nakikita ni Duterte para mapagkaisa ang mga rebelde at ang gobyerno.

Naniniwala din ang liderato ng PNP na tama lang na sa mga kagawaran na may kilaman sa paggawa ilagay ang ilang miyembro ng kaliwang grupo dahil sila umano ang malimit na nakakakita sa problema sa labor force.

Sa press conference sa Davao City kahapon ay inihayag ni Duterte na kanyang inilalaan ang mga posisyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Environment and Aatural resources (DENR), Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa Communist Party of the Philippines sa kondisyon na magbaba ang mga ito ng kanilang armas at tuluyang iwanan ang armadong pakikibaka.

TAGS: cabinet member, CPP, duterte, PNP, cabinet member, CPP, duterte, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.