Petro Gazz, magpapatupad ng oil price rollback

By Angellic Jordan March 09, 2022 - 07:08 PM

Photo credit: Petro Gazz/Facebook

Abiso sa mga motorista!

Magpapatupad ang Petro Gazz ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil company, babawasan ng P5.85 ang kada litro ng kanilang diesel habang P3.60 naman ang kaltas sa bawat litro ng gasolina.

Ito ang unang halaga ng oil price hike ng Petro Gazz at iba pang oil companies noong March 8 dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Paliwanag ng oil company, layon nitong mabawasan ang tindi ng epekto ng malakihang pagtataas ng presyo ng petrolyo sa mga konsyumer.

Sinabi ng Petro Gazz na epektibo ang oil price rollback simula March 10 hanggang 13, 2022.

TAGS: BreakingNews, BUsiness, InquirerNews, OilPriceRollback, PetroGazz, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, BreakingNews, BUsiness, InquirerNews, OilPriceRollback, PetroGazz, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.