Mga nanalong Senador at Party-list groups ipo-proklama na sa Huwebes

By Erwin Aguilon May 17, 2016 - 03:34 PM

Rowena-Guanzon-0513
Inquirer file photo

Target ngayon ng National Board of Canvassers na maiproklama na sa araw ng Huwebes ang mga nanalong Senador at Party-list groups sa nakalipas na May 9 elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, may mga pumapasok pa na Certificate of Canvass dahilan kaya hindi pa sila makapagproklama.

Bukod dito, pupunta pa anya ang Comelec en banc kay House Speaker Feliciano Belmonte at Senate President Franklin Drilon bukas araw ng Miyerkukes bago mag proklama.

Kaugnay naman sa Party-list group, kinukwenta pa ayon kay Guanzon ang bilang ng boto ng mga ito at kung ilang upuan sa Kongreso ang mapupunta sa mga nanalo.

Depende pa anya ito kung ilan ang total na bumoto kaya kailangan pa nilang hintayin ang pagpasok ng lahat ng boto hanggang bukas.

Gayuman, di pa matiyak ng Comelec official kung anong oras sila makakapagproklama sa Huwebes, May 19.

TAGS: comelec, party-list groups, Proclamation, Senators, comelec, party-list groups, Proclamation, Senators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.